By: Rhenan Tacastacas
Ang kantang Sana Maulit Muli ay isinulat ni Gary Valenciano sa taong 1988. Siya ay isang kilalang manunulat sa mga magaganda at sikat na kanta ng nga Pilipino. Isang halimbawa na rito ang kantang ito. Naging parte ang kanta sa mga buhay ng mga tao lalo na sa mga taong mapagmahal. At kahit sa panahon ngayon patuloy paring kinakanta at itinatanghal ang kantang ito mapa paligsahan man o sa karaoke.
Bakit nga ba tinatangkilik ito ng mga tao? Maganda ba ito? Ito ay dahil sa mga lyrico nito na puno ng sakit na nadarama ng isang tao dahil sa pag ibig na nasawi. Sa unang lyico ” sana maulit muli, ang mga oras nating nakaraan, bakit nagkaganito, naglaho na ba ang pag-ibig mo?” punong puno na ito ng emosyon kung saan nais ng tao na balikan ang kanyang nakaraan na puno ng tamis at pagmamahal. Kasunod sa lyrico nito ang pagpapakita ng pagkawalan ng pag ibig. Dahil baka ang minamahal niya ay bigla nalang nawalan ng gana, pwede din nakakita na ng iba o sadyang hindi na siya gusto.
Sunod naman ang chorus nito ” Kung kaya kong iwanan ka, ‘di na sana aasa pa, kung kaya kong umiwas na, ‘di na sana lalapit pa, kung kaya ko sana”. Ang chorus ang pinakamagandang parte ng kantang ito dahil sa pagpapahayag ng damdamin ng taong nasa kanta kung saan di niya kayang pigilan ang kanyang pagmamahal sa taong mahal niya kahit gustuhin niya man ito kung kaya’t naging huling salita nga chorus ay ang “kung kaya ko sana”.
Ang kantang ito ay madaling nakakaakit ng mga mandidinig dahil ang pagmamahal na ipinahayag sa kantang ito ay hindi hanggang sa pag iibigan ng mga pares kundi pati narin sa mga magulang, kaibigan at iba pang mahal natin sa buhay. Tayong lahat ay nakadama ng pag ibig at di rin natin makaligtaan na masanay o mapamahal sa isang tao. Ang pag-ibig ay may di madali. May kapalit itong saya at lungkot sa twina may pagbabago ang maganap, mapaganda man o hindi. Kung kaya’t dahil diyaan mas ninanais nating balikan ang mga masasayang panahon at ulitin ito upang matagpuan ang saya na ating hinahanap mula sa lungkot na ating dinaranas.
Sa kanta ring ito makikita ang katotohanan sa buhay kung saan nasa huli talaga ang pag sisisi. Nasa lyrico ng kanta ang mga salitang ” Kung ako’y nagkamali minsan, ‘Di na ba mapagbibigyan, O giliw, dinggin mo ang nais ko, oooh… “. Kapag tayo ay aabot sa desisyon ng pag hihiwalay ay sa tingin natin yun talaga ang makakabuti sa atin o yun ang ikakatapos ng mga problema mo ngunit sa paraang ito dadanas ka muna ng sakit at kasali na diyaan ang pagsisisi. Hindi lang ito limitado sa isang tao kundi pwede rin ang dalawang magkasintahan ay pareho ang nadarama at nag sisisi.
Sa kantang ito, dito mo maiintindihan ang sakit na nadadama sa tuwing ika’y nag sisisi o may namimiss kang isang tao at wala kang magagawa sa iyong sitwasyon. Ngunit may ganda ring dulot ang kanta dahil pwede rin itong magbibigay mulat sa mga nagmamahalan na may pag asa pang ibalik ang mga alaalang iyon. Ang kailangan lang nilang gawin ay umamin sa isa’t isa at magkaunawaan dahil ang kantang ito ay kung mapapansin niyo ay isang taong nagmumuni-muni sa kanyang mga emosyon at nararamdaman wala itong direktang paglalahad ng isang tao patungo sa kanyang kapares.
At dito nagtatapos ang ating song review sa kantang Sana Maulit Muli ni Gary Valenciano. Inaanyayahan ko kayong makinig sa kantang ito at sabay nating balikan ang mga masayang alaala natin sa pag ibig. Kung nais niyong ibahagi ang inyong sariling interpretasyon o may masasabi kayo sa blog na ito, mapabuting ilagay niyo sa comments and suggestions ng page na ito. Kung gusto niyo pa ng mas maraming OPM song blogs, mag subscribe lang sa page na ito at sumabaybay sa mga paparating na mga post.
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.

